Bukod dito, nagbanta rin ang China na magpapatupad ng air defense zone sa ibabaw ng South China Sea sakaling lalo silang makaramdam ng panggigipit mula sa ibang bansa.
Ang mga bantang ito ay nagmula kay Chinese vice foreign minister Liu Zhemin bilang reaksyon sa desisyon na inilabas ng UN arbitral tribunal.
Giit pa ni Liu, ang nasabing desisyon ay isa lamang basura at sana ay hindi ito gamitin ng mga kalaban nilang bansa para i-blackmail sila.
Naniniwala naman si Chinese Ambassador to the United States Cui Tiankai na lalo lamang nitong pinaigting ang tensyon at komprontasyon sa rehiyon.
Samantala, nakasaad naman sa state newspaper na People’s Daily na handa ang China na gawin ang lahat para lamang matiyak na maprotektahan nila ang kanilang mga interes at soberanya sa kanilang teritoryo.