Ito ay matapos pumabor sa Pilipinas ang inilabas na desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa usapin ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella, nakaantabay na ang National Security Council sa mga posibleng pag-hack ng China sa mga government website.
Batay sa monitoring ng Presidential Communications Office, wala pa namang government website ang napapasok ng mga hacker.
Matatandaang hindi tinanggap ng China ang ruling ng PCA sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Iginiit pa nila na ang nasabing desisyon ng PCA ay walang bisa at walang umiiral na kapangyarihan.
Lumalabas rin aniya na ilegal at bias ang nasabing hakbang ng International Court na kailanman ay hindi nila susundin.