DOE katulong sa pag-aaral sa naging desisyon ng UN Arbitral Tribunal sa isyu ng West PH Sea

doe-logoInihayag ngayon ng Department of Energy (DOE) na susundin nila ang pangunguna ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pag-aaral kaugnay sa naging pasya ng United Nations Arbitral Tribunal sa usapin ng West Philippine Sea.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, katulong ang kanilang ahensya sa iba pang sangay ng pamahalaan para masusing pag-aralan ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa ilalim ng Annex VII ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Sinabi ni Cusi na masusing tinitignan ng DFA ang over-all implications ng nasabing pasya sa tulong ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Iginiit ng kalihim na naninindigan ang Pilipinas sa commitment para makamit ng mapayapa ang sigalot sa West Philippine Sea gayundin ang peace and stability sa rehiyon sa pamamagitan ng mga konsultasyon at diplomasya.

Read more...