Pilipinas, pinaghahandaan pa ang susunod na hakbang matapos ang paborableng desisyon ng International Tribunal

mischief_reef west phil seaWala pang kongkretong plano ang Pilipinas para sa mga susunod nilang hakbang matapos na paburan ng United Nations Arbitral Tribunal ang bansa sa pagdedesisyon kaugnay sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, pag-aaralan pa nila ang kanilang susunod na hakbang kasabay ang pagtitiyak na hindi sila magdedesisyon ng pabigla bigla lalo na at hindi lang Pilipinas ang umaangkin sa lugar.

Sa ngayon ani Lorenzana, may mga allied country pa ang umaangkin sa West Philippine Sea na dapat pa rin aniyang kausapin.

Kaugnay nito, hanggang sa ngayon ay wala pa rin naman umanong tumatawag kay Sec. Lorenzana na mula sa mga kaalyadong bansa na nagpahayag nang pagsuporta matapos na pumabor sa bansa ang ruling ng tribunal maliban kay US Defense Sec. Ashton Carter na tumawag noong linggo ng gabi at nagpahayag ng suporta.

Kahapon, sa 501-page na desisyon ng PCA, nakasaad dito na walang “historic rights” ang China sa inaangkin nilang “nine dash line” sa South China Sea.

Matatandaang ilang beses naman iginiit ng China na hindi nila susundin ang magiging desisyon ng PCA sa reklamong inihain ng Pilipinas.

Read more...