Isang kongresista ang kusang nagpa-drug test, bilang pagpapakita ng suporta sa anti-drug campaign ng Duterte Administration.
Sumalang si Isabela Rep. Rodolfo Albano III sa drug test sa St. Lukes Medical Center sa Taguig.
At batay sa resulta ng pagsusuri, negatibo ang mambabatas sa paggamit ng ilegal na droga tulad ng shabu at marijuana.
Ayon kay Albano, sana raw ay may iba pang Kongresista ang boluntaryong magpa-drug test, kahit wala pang pasya ang Kamara kung magpapatupad ng mandatory drug test sa hanay ng mga House Member at congressional staff.
Si Albano ay ang may-akda ng Philippine Compassionate Medical Cannabis Bill, na muling binuhay para sa deliberasyon sa 17th Congress.
Sa ilalim ng House Bill 180, malinaw na hindi itinutulak ang paggamit, promosyon, pag-authorize o pagsasaligal sa paggamit ng marijuana, at sa halip ay para lamang sa medical purposes.
Nakasaad pa sa panukala ang control measures at regulation sa medical cannabis na tanging mga liscensed physician lamang ang dapat na magrereseta nito.
Ilang mga bansa na rin ang gumagamit sa medical cannabis bilang panggamot sa cancer, epilepsy, HIV-AIDS, pain killer sa sclerosis, arthritis at iba pang sakit.