Watchlist order vs 5 narco-generals, hiniling ng DILG

INQUIRER PHOTO
INQUIRER PHOTO

Pormal ng hiniling ni Department of Interior and Local Government Sec. Ismael Sueno na ilagay sa watchlist order ng Department of Justice ang limang aktibo at retiradong heneral ng Philippine National Police na isinasangkot sa ilegal na droga.

Sa sulat kay DOJ Sec. Vitaliano Aguirre, sinabi ni Sueno na kasalukuyang dumadaan sa imbestigasyon ang limang opisyal na sina retired Deputy Director General Marcelo Garbo, retired Chief Superintendent at ngayo’y Daanbantayan Mayor Vicente Loot, at mga aktibong opisyal na sina Director Joel Pagdilao, at Chief Superintendents Edgardo Tinio at Bernardo Diaz kung kaya hiniling na ilagay sila sa watchlist order.

Umaasa si Sueno na agad na maaaprubahan ang kanilang hiling at maimpormahan agad ang Bureau of Immigration upang ma-monitor nila kung magtatangkang lumabas ng bansa ang limang heneral.

Ani Sueno, ang hinihiling na watchlist order ay para masiguro na makadadalo ang lima sa gagawing imbestigasyon sa sinasabing koneksyon ng mga opisyal sa ilegal na droga.

Target ng DILG na makumpleto nila agad ang imbestigasyon sa loob ng isang buwan na kanilang itinakdang deadline.

Read more...