Sen. Gatchalian at dating Cong. Pichay, kinasuhan dahil sa maanomalyang bank deal

Sherwin-GatchalianSinampahan na ng kaso ng Office of the Ombudsman ang mga dating matataas na opisyal ng Local Water Utilities Administration (LWUA), corporate executives ng WELLEX Group Inc. (WGI), Forum Pacific Inc. (FPI) at Express Savings Bank Inc. (ESBI) kaugnay sa maanomalyang bank deal noong taong 2009.

Tatlong bilang ng kasong paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), tatlong bilang ng Malversation, at paglabag sa Republic Act No. 8791 (General Banking Law of 2000) at sa manual ng Regulation for Banks ang isnampa laban sa mga sumusunod na opisyal:

Dating LWUA officials Prospero Pichay Jr., Eduardo Bangayan, Aurelio Puentevella, Enrique Senen Montilla III, Wilfredo Feleo, Daniel Landingin, Arnaldo Espinas;

Incoming Senator Sherwin Gatchalian at mga kasamahan nitong opisyal ng WGI na sina Dee Hua Gatchalian, William Gatchalian, Elvira Ting, Kenneth Gatchalian at Yolanda Dela Cruz;

FPI executives Peter Salud, Geronimo Velasco, Jr., Weslie Gatchalian, Rogelio Garcia, Lamberto Mercado, Jr., Evelyn dela Rosa, Arthur Ponsaran, at Joaquin Obieta;

ESBI executives George Chua, Gregorio Ipong, Generoso Tulagan, Wilfred Billena at Edita Bueno.

May kaunayan ang mga kaso sa pag-acquire ng LWUA sa ESBI na local bank sa Laguna at pag-aari ng mga Gatchalian, FPI at WGI.

Sa record ng kaso, noong March 24, 2009, nagpasa ng resolusyon ang LWUA Board na kinabibilangan nina Pichay, Bangayan, Montilla, Puentevella at Landingin para aprubahan ang pagbili sa ESBI nang hindi dumadaan sa regulatory approvals ng Monetary Board (MB) ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Department of Finance (DOF) at ng Office of the President (OP).

Nabatid pa na itinuloy nina Pichay ang pagbili sa bangko, kahit na lugi ito mula taong 2005 hanggang 2009.

Inilipat pa ang halos P780 million na pondo ng LWUA sa ESBI para madagdagan ang authorized capital stock ng bangko.

Ayon sa Ombudsman, aabot umano sa P80 million ang naibayad kay Gatchalian at iba pabilang bank owners.

 

 

Read more...