
METRO MANILA, Philippines — Makakatanggap na ng text message at email notification ang mga motorista na mahuhuli sa No-Contact Apprehension Policy (NCAP) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ang inanunsyo nitong Lunes ni MMDA Chairman Don Artes nang ilunsad ang text message at e-mail notification system bukod sa naunang nang inilunsad na “May Huli Ka” app at website.
Ayon kay Artes matatanggap ang text message mula sa MMDA. Sabay din niyang tiniyak na hindi ito magagamit sa scam o panloloko.
BASAHIN: Huli ang 3 na nagnakaw ng kable ng NCAP cameras ng MMDA sa Makati
Dinagdag pa niya na ang text message ay ipapadala sa mobile phone number sa pangalan na nasa rehistro ng sasakyan.
Ang pagpapadala ng text message sa mga lumabag ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng isang telecommunication company.
Nilinaw ni Artes na ang tanging mapapadalhan ng text message ay ang mga motorista na mahuhuli ng artificial intelligence (AI) capable cameras at hindi ang mga mahuhuli ng traffic enforcers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.