Huli ang 3 na nagnakaw ng kable ng NCAP cameras ng MMDA sa Makati

METRO MANILA, Philippines — Hindi na nagtagumpay ang dalawang lalaki at isang babae na pinaniniwalaang pumutol at nagnakaw ng kable ng No Contact Apprehension Police (NCAP) camera na gamit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Makati City.
Nahuli ang tatlong suspek bago muling manakaw ang fiber optic cable ng traffic camera na nakakabit sa Guadalupe footbridge.
Base sa ulat, pasado 8 p.m. noong ika-5 ng Hunyo nang manakaw ang mga kable at makalipas lamang ang tatlong oras ay bumalik ang tatlo upang muling tumangay ng mga kable.
BASAHIN: MMDA posibleng magbawas ng traffic enforcers dahil sa NCAP
Hindi napansin ng tatlo ang mga nagpapatrulyang dalawang tauhan ng Makati City Police at naaktuhan silang pinuputol muli ang nakakabit pang mga kable.
Nabatid na may halagang P104,000 ang natangay na kable ng mga suspek, na ang isa ay edad 28 at ang dalawa naman ay 20 anyos.
Pinuri ng MMDA ang mabilis na pagtugon at paghuli ng pulisya sa mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.