Isang maritime exercise ang isinasagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) at Japan Coast Guard sa Manila Bay.
Ayon kay Cmdr. Armand Balilo, tagapagsalita ng coast guard, layunin nito na mapalakas pa ang kakayahan ng dalawang bansa sa pagganap sa kanilang tungkulin bukod pa sa pagdaragdag ng kasanayan ng kanilang mga tauhan.
Sa nasabing maritime exercise magpapalitan ng kaalaman ang mga ito para sa pagsugpo sa kriminalidad sa karagatan.
Nilinaw naman ni Balilo na walang kinalaman sa pasya ng UN Arbitral Tribunal sa isyu ng West Philippine Sea ang nasabing aktibidad kaya walang dapat ikaalarma.
Taon-taon naman anya na ginagawa ang nasabing exercise at nagkataon lamang na ginawa isang araw matapos ang ruling arbitral tribunal.
Noong Lunes dumating sa bansa ang barkong Tsugaru ng Japan Coast Guard at nakadaong ngayon sa Pier 15 sa Manila South Harbour.