Ayon kay Aguirre, sa Oktubre pa sana magreretiro si Balutan pero dahil ipinagbabawal na manungkulan sa isang civilian position sa pamahalaan ang aktibong miyembro ng militar kinakailangan nito na maaagang magreretiro.
Sinabi ni Aguirre na minabuti na rin nitong maagang magretiro dahil sa tawag ng tungkulin para pamahalaan ang New Bilibid Prisons (NBP) matapos itong irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil na rin sa maganda nitong track record.
Pansamantalang magkakaroon ng officer-in-charge sa Bilibid habang hinihintay pa si Balutan.
Si Balutan ay miyembro ng PMA Class ’83, kasama sa madugong digmaan noong taong 2000 sa Central Mindanao.
Naging witness din si Balutan sa umano’y dayaan sa halalan noong 2004 at naging vocal din sa kanyang sentimyento sa isyu ng pork barrel fund scam.