State of health emergency sa Maynila ipapadeklara ni Isko Moreno
METRO MANILA, Philippines — Pagkabalik na pagkabalik sa puwesto, agad na hinarap ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang problema ng basura sa lungsod.
Nakadagdag pa sa problema ni Domagoso ang pagtalikod ng Phileco at Metrowaste sa kanilang kontrata sa pamahalaang-lungsod para hakutin ang mga basura ng lungsod.
Sinabi ng alkalde na pinakiusapan niya ang Leonel Waste Management, ang dating kolektor ng mga basura ng Maynila, na hakutin ang mga nakatambak na basura.
BASAHIN: Maynila namaho, garbage contractor pinalitan
Aniya, pumayag ang Leonel sa kanyang pakisusap at hahakutin ang mga basura ng walang bayad.
Inanunsiyo din ni Domagoso na sa unang araw ng sesyon ng bagong Sangguniang Panglungsod bukas ng Martes hihilingin niya ang pagdedeklara ng state of health emergency dahil sa problema sa basura.
Nagpalabas na rin siya ng kautusan sa mga punong barangay na tumulong sa paglilinis naman ng mga kanal na nabarahan na rin ng mga basura.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.