Maynila namaho, garbage contractor pinalitan

By Jan Escosio January 06, 2025 - 12:16 PM

PHOTO: Honey Lacuna
Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan —INQUIRER.net FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Inulan ng mga reklamo ang pamahalaan ng Maynila dahil sa hindi nahahakot na mga basura kayat pinalitan ang garbage contractor.

Ito ang sinabi ni Mayor Honey Lacuna-Pangan kayat tinapos na niya ang kontrata ng Leonel Waste Management.

Sa pamamagitan ng bidding, nakuha ng Metro Waste Solid Waste Management Corp (Metro Waste) at Philippine Ecology Systems Corp. (PhilEco) ang hiwalay na kontrata para sa paghahakot ng mga basura sa lungsod.

BASAHIN: Lumang drainage system sanhi ng baha sa Metro Manila – MMDA

Paghahatian ng dalawang contractors ang P842.7 milyong budget ng pamahalaang lungsod para sa paghahakot ng mga basura sa Maynila.

Babayaran ang Metro Waste ng P412.93 milyon para sa paghahakot sa Districts 1, 2, at 3, samantalang ang kontrata sa PhilEco ay nagkakahalaga ng P429.78 milyon para hakutin ang mga basura sa Districts 4, 5 at 6 sa kabuuan ng 2025.

Ayon kay Lacuna-Pangan, noong nakalipas na Kapaskuhan, tumaas ng 400 porsiyento ang dami ng mga basura sa lungsod at hindi ito kinaya ng dating contractor.

Sinabi pa niya na noon pang Nobyembre 21 nang magpalabas sila ng “invitation to bid” para sa garbage collection contract at itinakda ang deadline noong Disyembre 3.

Noong katapusan ng buwan nagsagawa ng dry-run ang dalawang bagong contractors.

TAGS: Honey Lacuna, Manila garbabe collection, Honey Lacuna, Manila garbabe collection

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.