Safety protocols sa mass rail systems pagbutihin – Poe

By Jan Escosio June 19, 2025 - 02:49 PM

PHOTO: MRT 3 train FOR STORY: Safety protocols sa mass rail systems pagbutihin - Poe
MRT 3 train —File photo mula sa Department of Transportation

METRO MANILA, Philippines — Pinuna ni Sen. Grace Poe ang sunod-sunod na aberya sa operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Ayon kay Poe, hindi dapat balewalain ang mga aberya dahil nalalagay sa panganib ang kaligtasan ng mga pasahero.

Binanggit niya ang pagkakasunog ng electrical wire sa poste sa pagitan ng mga istasyon ng Santolan at Cubao ay lubhang delikado para sa mga pasahero.

BASAHIN: EDSA bus lane balak alisin; MRT 3 trains dadagdagan

Idniin ni Poe na kailangan na patuloy ang pagtitiyak na ligtas at maaasahan pa rin ang pagsakay sa mga bumibiyaheng tren sa kabila nang pagpapatayo ng mga bagong linya para sa mass rail transport.

Magagawa ito sa pamamagitan ng regular na inspeksyon at pagsasagawa ng preventive maintenance sa mga pasilidad at mga tren.

TAGS: grace poe, mass rail transport, grace poe, mass rail transport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.