EDSA bus lane balak alisin; MRT 3 trains dadagdagan

By Jan Escosio February 05, 2025 - 05:30 PM

PHOTO: EDSA traffic FOR STORY: EDSA bus lane balak alisin; MRT 3 trains dadagdagan
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Binabalak ng gobyerno ang pagbuwag sa EDSA Busway system, ayon sa pahayag nitong Miyerkules ni Chairman Don Artes ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kasama ito sa tinalakay na comprehensive traffic plan para sa Metro Manila, ani Artes.

Dadagdagan na lamang daw ang kapasidad ng bawat biyahe ng MRT 3 para sa mga maaapektuhang pasahero ng EDSA Busway.

BASAHIN: Mas mataas na multa sa EDSA bus lane, ipatutupad ng MMDA

Nabatid ng Radyo Inquirer nitong Miyerkules na may tatlong bagon sa bawat biyahe ng MRT 3, at binabalak itong gawing apat ng Department of Transportation para madagdagan ng 30% ang kapasidad ng MRT 3.

Napuna na ang mga loading and unloading area ng mga bus ng EDSA Carousel ay nasa ilalim lamang din ng bawat istasyon ng MRT 3.

Ayon pa kay Artes, ang EDSA Carousel Bus Lane ay bubuksan na sa mga motorista kapag natuloy ang naturang plano.

TAGS: edsa bus lane, Metropolitan Manila Development Authority, edsa bus lane, Metropolitan Manila Development Authority

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.