Nigerian, arestado sa 300 gramo ng shabu

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Nalambat ang isang Nigerian national sa ginawang drug buy bust operation ng PDEA sa Yholk’s resto bar sa kahabaan ng Don Juan Sumulong Highway, Brgy. Sto. Niño Marikina City.

Kinilala ni PDEA NCR Dir. Wilkins Villanueva ang suspek na si Ejiye Okoye alyas Martin, isang Nigerian national na nahulihan ng anim na medium size resealable transparent plastic sachet na pinaghihinalaang shabu.

Sa pagtataya ng PDEA umaabot sa mahigit 300 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may street value na P360,000.

Nakuha rin sa pangangalaga ng suspek ang limangdaang piso na mark money kasama ang boodle money na pinambayad ng agent ng PDEA sa suspek.

Naniniwala si Villanueva na kabilang si Okoye sa West African drug syndicate na nag-ooperate sa bansa.

Nahaharap ang suspek sa violation of sec. Art. 2 of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...