China, pinaalalahanan na respetuhin ang desisyon ng arbitral tribunal

 

Inquirer.net/AP

Pinaalalahanan ni European Union (EU) President Donald Tusk ang China na respetuhin ang inilabas na ruling ng arbitral tribunal kaugnay sa mga teritoryo sa South China Sea.

Sa kaniyang talumpati sa simula ng EU-China summit, nanawagan si Tusk sa China na protektahan ang “rule-based international order” na posibleng maituring na pinakamalaking pagsubok sa kanila.

Una nang pinuna ng EU members ang China dahil sa kanilang mga trade practices tulad ng pagsalang sa pandaigdigang merkado ng mga produktong mumurahin na humahatak sa mga presyo pababa na isang pagsubok sa stability ng ekonomiya.

Nasa proseso pa lamang ang EU ng pag-konsidera kung bibigyan ba nila ng market economy status ang China.

Sakali man, mas magiging mahirap na sa ibang mga ekonomiya na labanan ang China kaugnay sa umano’y pinapalakad nitong unfair trading practices.

Read more...