Audit sa PH team trip sa 2024 tobacco control convention hiniling

By Jan Escosio June 12, 2025 - 09:16 AM

PHOTO: Pia Cayetano FOR STORY: Audit sa PH team trip sa 2024 tobacco control convention hiniling
Sen. Pia Cayetano —File photo mula sa Senate

METRO MANILA, Philippines — Nais ni Sen. Pia Cayetano na busisiin ng Commission on Audit (COA) ang ginastos ng delegasyon ng Pilipinas sa 10th Conference of Parties to the World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control sa Panama City noong nakaraang 2024.

Isa ito sa naging rekomendasyon ni Cayetano sa isinumite niyang final committee report base sa mga isinagawang pagdinig ng pinamumunuan niyang blue ribbon committee.

Ayon sa senadora, nararapat na ikunsidera na may naging maling paggamit ng pondo sa biyahe ng delegasyon, na pinamunuan ni Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra.

BASAHIN: Tobacco, vape smuggling pinatutukan ni Marcos sa BOC, BIR

Magugunita na labis na ikinadismaya ni Cayertano na sa naturang pagtitipon muling tinanggap ng Pilipinas ang “Dirty Ashtray Award,” na aniya ay pagpapatunay na mas napapaboran sa bansa ang industriya ng tabako sa halip na iiwas ang mga Filipino sa masamang epekto ng paninigarilyo.

Inirekomenda din nito na maimbestigahan ang Department of Trade and Industry sa pagpapalabas ng Vape Law Supplemental Rules sa paniniwalang nabalewala ang lehislatura.

Posible din aniya na nalabag ng DTI ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act nang palawigin ang pagtatanggal sa merkado ng “non-compliant vape products” ng tatlong buwan noong nakaraang taon.

Idiniin pa ni Cayetano na maaring paglabag sa Constitution ang Vape Law, na naging batas noong 2022.

Nais din niya na ibalik ang pangangasiwa sa vape at heated tobacco products sa Food and Drug Administration at istriktong ipagbawal ang ibang flavors maliban sa tobacco and menthol flavors.

TAGS: Pia Cayetano, WHO Framework Convention on Tobacco Control, Pia Cayetano, WHO Framework Convention on Tobacco Control

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub