Ginanap ang panunumpa ni Robredo sa President’s sala sa Palasyo ng Malakanyang.
Matatandaang noong nakaraaang linggo lamang, inalok ni Duterte so Robredo na pamunuan ang HUDCC sa pamamagitan ng tawag sa telepono sa harap ng isang televised press briefing.
Bukod sa panunumpa ni Robredo, biglaang nagpatawag rin ang pangulo ng full cabinet meeting para talakayin ang naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa reklamong inihain ng Piliponas laban sa China kaugnay sa pinag-aagawang West Philippine Sea.
Una nang sinabi ni Robredo na bilang bagong pinuno ng HUDCC, target niyang ubusin na ang mga backlog ng ahensya upang mabigyan na ng tahanan ang lahat ng mga nangangailangan partikular na ang mga nasalanta ng mga kalamidad.