Misis, pinatay sa sakal ni mister sa Malabon

 

Patay ang 35-anyos na ginang makaraang sakalin ng kanyang mister sa Malabon City kagabi.

Kinilala ni Insp. Ross cabigas ang biktima na si Samelyn Gonzales na isang vendor at residente ng Brgy. Longos ng naturang lungsod.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek na si Esteban Gonzales na dating asawa ng biktima.

Ayon kay Cabigas, umuwi sa bahay ang suspek at pinalabas ang isa sa kanilang mga anak dahil kakausapin daw ang kanilang nanay.

Nais sana ng suspek na makipagbalikan sa biktima pero tinanggihan ito ng misis.

Nadiskubre na lamang ang mga labi ng biktima nang bumalik ang anak at nakita nilang patay na ang kanilang ina.

Selos naman ang tinitignan ang anggulo ng mga pulis kung bakit nagawa ng suspek ang krimen.

Naiwan ng ina ang kanyang tatlong anak na babae na may edad 14, 10 at 5.

Read more...