Bilang ng mga nagsisukong adik at tulak sa Negros Oriental, higit 5 libo na

 

Lumobo na sa 5,374 ang kabuuang bilang ng mga drug pushers at user na sumuko sa PNP sa Negros Oriental.

Ayon kay PNP Provincial Director, Sr. Supt. Nestor Tiempo, ang bilang ay naitala mula July 1 hanggang kahapon, July 11.

Ani Tiempo, pinakamarami na sumuko ay mula sa Sibulan na may 971 na sumuko, sinundan ng Guihulngan City na may 693 surrenderees

Pinakamababa naman na lugar na sumuko ay mula sa Manjuyod na may 22 sumukong pusher at user.

Ani Tiempo, ang nabanggit na higit 5 libong surrenderees ay boluntaryong sumuko sa ilalim ng Project Double Barrel and Oplan TokHang ng PNP.

Read more...