MMDA, OK sa panukalang ‘ban’ sa ‘protocol plates’

 

Mula sa inquirer.net

Nagpahayag ng suporta si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Emerson Carlos sa panukala ni Navotas Rep. Tobias Tiangco kaugnay sa pagbabawal sa mga kongresista na gumamit ng number “8” protocol license plates.

Ayon kay Carlos, sang-ayon siya sa panukalang ito dahil wala naman itong naidudulot na mabuti para sa mga ordinaryong mamamayan.

Gayunman, nakakahiya man minsan para sa mga traffic constables na sitahin ang mga motoristang may protocol plates, sinisita at hinuhuli pa rin naman nila ang mga ito.

Pero aniya, bahagyang naresolbahan na rin ang ganitong problema mula nang maipatupad ang no-contact policy ng MMDA.

Sa talaan ng MMDA, may kabuuang 19,480 na motorista na ang nahuling lumalabag sa mga batas trapiko sa pamamagitan ng mga nakakalat na CCTV cameras sa mga kalsada.

Sakali mang maisabatas ang panukalang ito, pagbabawalan na ang mga kongresista na gamitin ang pares ng “8” protocol plates na ibinibigay sa kanila dahil madalas lamang itong ginagamit para maging abusado sa paglabag sa batas.

Read more...