METRO MANILA, Philippines — Bukod sa presensya, nawala na rin ang impluwensya ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan ng Basilan.
Ito ang sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr., presidential adviser of peace, reconciliation and unity.
“The declaration of Basilan as free from the Abu Sayaff Group (ASG) marks a turning point for the province — from a place once tainted by bloodshed to one filled with peace,” sabi ni Galvez.
BASAHIN: 2 na sundalo patay, 12 sugatan sa Basilan attack
Aniya ang pagbura sa ASG sa lalawigan ay bunga ng mga operasyon ng mga awtoridad laban sa teroristang grupo na sinabayan ng mga inisyatibong pangkapayapaan sa mga komunidad.
Magugunita na ilang taon na itinuring na teritoryo ng ASG ang Basilan at kabilang pa sa mga tumugis sa kanila ay si Galvez nang pamunuan nito ang Army 104th Infantry Brigade.
Ayon kay Galvez kailangan naman ng mga programa at proyektong pang-kaunlaran para umunlad na ang pamumuhay sa lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.