2 na sundalo patay, 12 sugatan sa Basilan attack
METRO MANILA, Philippines — Nasawi ang dalawang sundalo at 12 iba pa ang nasugatan sa pag-atake ng mga armadong grupo sa Sumisip, Basilan, kamakalawa.
Tinukoy ni Brig. Gen. Alvin Luzon, commander ng Army 101st Infantry Brigade, sina Najal Buena at Oman Hajal Jalis na nanguna sa pag-atake sa mga sundalong nagbabantay sa isang gingawang proyekto ng United Nations sa Barangay Lower Cabengbeng.
Aniya sina Buena at Jalis ay kapwa sangkot sa mga madugong rido o awayan ng. mga angkan sa lugar.
BASAHIN: MILF kasama sa iniimbestigahan sa Basilan VM ambush
Labis na ikinadismaya namn ng mga awtoridad na ilang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang sumama sa pag-atake sa mga sundalo.
Ayon kay Luzon, pinagdududahan na ang sinseridad ng MILF na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa Basilan dahil sa pangyayari.
Panawagan niya sa pamunuan ng MILF na gawin ang nararapat na hakbang laban sa kanilang mga miyembro na kasama sa pag-atake.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.