Pagkakasangkot ng mga LGU sa ‘floating shabu lab’, inaalam na ng PNP-AIDG

 

Inquirer Central Luzon / Allan Macatuno
Inquirer Central Luzon / Allan Macatuno

Sinisiyasat na ngayon ng pamunuan ng Philippine National Police-Anti Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) ang posibilidad na may ilang mga lokal na opisyal ang sangkot sa illegal drug trade bunsod ng presensiya ng isang Chinese registered vessel sa karagatan ng Subic sa Zambales, na hinihinalang ginagamit bilang floating shabu laboratory.

Ayon kay PNP-AIDG Spokesperson Enrico Rigor, walang record ang MARINA na pumasok sa bansa ang nasabing foreign vessel.

Ani Rigor, isa sa mga tanong na kanilang iniimbestigahan ngayon ay kung papaano nakapasok sa bansa ang nasabing barko kung walang mga kasabwat na mga local personalities.

Samantala, iginiit ni Rigor na tukoy na nila ang flow ng sindikato ng droga at ang affiliation ng apat na Chinese national na naaresto sa isinagawang operasyon.

Aminado naman si Rigor na ang nasabing barko ay hightech at may kamahalan dahil sa mayroon itong SONAR at GPS dahil nade-detect nito kung may paparating sa kanilang lugar.

Read more...