Bagong listahan ng bibigyan ng ‘immunity’, ilalabas ng NDFP

 

Inquirer file photo

Isang bagong listahan ng mga taong bibigyan ng immunity of arrest sa kasagsagan ng peace negotiation sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang ilalabas ng mga rebeldeng komunista.

Ayon kay NDFP chief negotiator Luis Jalandoni, ang nasabing listahan na may kaugnayan sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) ay babaguhin alinsunod sa paghahanda ng mga rebelde na bumalik sa pakikipagnegosasyon sa administrasyon.

Noon pang taong 1995 pinirmahan ng mga kinatawan ng pamahalaan at ng mga komunista ang JASIG.

Isang listahan ng 75 consultants kabilang ang kanilang mga litrato ay idineposito ng pamahalaan ng Pilipinas, NDFP at ng ilang kinatawan ng Simbahan sa isang vault sa Netherlands noong 1996.

Sa pamamagitan nito ay matutukoy ang mga consultants na bibigyan ng immunity of arrest.

Gayunman, nadiskubre noong 2011 na nasira ang dalawang diskette na naglalaman ng listahan at hindi na ma-retrieve ang mga nilalaman nito. Sa ilalim ng JASIG, mabibigyan ng immunity from arrest ang mga miyembro ng NDFP peace panel, consultants at ilan pang staff na bahagi ng negotiating team.

Read more...