Sen. Manny Pacquiao, nagbabalak nang umabsent agad sa Senado

Inquirer/AP

Hindi pa man nagse-sesyon ang Senado, nagbabalak na umanong mag-leave si Sen. Manny Pacquiao para bumalik sa boxing ring.

Ayon kay Top Rank CEO Bob Arum, naghahanap na si Pacquiao ng bagong makakatunggali sa posibleng pagbabalik niya sa ring.

Aniya, muling lalaban si Pacquiao ngunit hindi pa tiyak kung kailan.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya si Pacquiao kay Senate President Franklin Drilon para matulungan siya kung paano siya makakapag-leave para makapag-ensayo.

Matatandaang noong Abril ay inanunsyo na ni Pacquiao ang kaniyang pagreretiro sa boxing upang pagtuunan ng pansin ang kaniyang pagiging pulitiko.

Dagdag pa ni Arum, sakali man ay malamang na dito lang sa Pilipinas gagawin ang mga pag-eensayo ni Pacquiao dahil sa pagiging Senador niya.

Read more...