Pabayang Mayor at Bgy. Captain, paiimbestigahan sa pagkalat ng droga

 

Maglalabas ng memorandum ang Palasyo ng Malakanyang para paimbestigahan ang mga mayor at brgy. captain na may mataas na kaso ng ilegal na droga.

Sa press brieifing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential spokesman Ernesto Abella na ito ay para mabatid kung may ‘neglect of duty’ o kapabayaan ang lokal na opisyal kung kaya lumaganap ang operasyon ng droga sa kanilang nasaskupan.

Gayunman, sinabi ni Abella na ito ay nasa proseso pa lamang at wala pang itinatakdang petsa para ilabas ang nasabing kautusan.

Hindi rin pa tinukoy ni Abella kung ano ang magiging liability ng mga lokal na opisyal na mapatutunayang nagpabaya sa tungkulin kung kaya lumaganap ang problema ng droga sa kanilang lugar.

Ayon kay Abella, target din ng pamahalaan na magtayo ng regional rehabilitation center sa buong bansa.

Ito ay para sumailalim sa rehabilitasyon ang mga nalulong sa droga.

paliwanag pa ni Abella, nais kasi ng Pangulong Rodrigo Duterte na sumailalim sa due process ang lahat.

 

Read more...