
METRO MANILA, Philippines — Malapit nang maramdaman sa bansa ang southwesterly windflow o ang hangin na nagmumula sa timog kanluran, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Nangangahulugan, ayon kay PAGASA weather specialist Daniel Villamil, na nalalapit nang magsimula ang tag-ulan.
Aniya, simula sa darating na Biyernes, ika-30 ng Mayo, maaring maging maulan sa Hilagang Luzon, partikular na sa Palawan, Occidental Mindoro, Metro Manila, Batangas, Zambales, Bataan, Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte.
BASAHIN: Pilipinas posibleng pasukin ng isa o dalawang bagyo sa Hunyo
Bunga nito, maaring makaranas na ng kalat-kalat na pag-ulan tuwing hapon at gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.