Pilipinas posibleng pasukin ng isa o dalawang bagyo sa Hunyo

METRO MANILA, Philippines — Isa hanggang dalawang bagyo ang maaring mabuo o pumasok sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) sa susunod na buwan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ayon kay Pagasa weather specialist Joanne Mae Adelino, kadalasan isa hanggang apat na direksyon ang tinatahak ng mga bagyo tuwing Hunyo.
Aniya, may mga bagyo na nabubuo o pumapasok sa PAR ang tatama sa kalupaan bago tatahakin ang direksyon patungong Japan o Taiwan.
BASAHIN: PAGASA sa publiko: Mahalaga na alam ang heat index sa lugar
May mga bagyo naman ang bumabalik na hindi tatama sa kalupaan bago magtutungo sa direksyon ng Japan.
Sinabi pa ni Adelino na may mga bagyo na bumabagsak sa kalupaan ng timog bahagi ng Luzon bago magtutungo sa direksyon ng hilagang Vietnam o Hong Kong o papasok sa silangan o hilagang bahagi ng Visayas patungo sa Vietnam o Hong Kong.
Samantala, Auring at Bising naman ang ipapangalan sa unang dalawang bagyo na papasok sa PAR.
Wala pang pumasok na bagyo sa bansa simula nang pumasok ang 2025.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.