Malupit ang balak pagdala ng US illegal immigrants sa Libya – Escudero
METRO MANILA, Philippines — Sagad na kalupitan.
Ito ang pagsasalarawan ni Senate President Francis ‘Chiz” sa napa-ulat na plano ng Amerika na ibagsak sa Libya ang lahat ng mahuhuling illegal immigrants, kabilang na ang mga Filipino.
Una nang binatikos ng international human rights groups at maging ng ibang gobyerno ang naturang plano.
Isang korte sa Estados Unidos ang pansamantalang pinigil ang plano dahil may nauna nang inihayag ng hukom na ang naturang hakbangin ay paglabag sa kanilang karapatan na maibalik sa sarili nilang bansa.
BASAHIN: Tulungan mga Pinoy na arestado dahil sa Trump policy – Escudero
“Hindi camel ang mga Filipino na itatapon na lang sa disyerto ng Libya. Tao sila na may mga karapatan,” ani Escudero.
Hinikayat din niya si Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na alamin ang estado ng lahat ng mga Filipino na nanganganib mapalayas ng US.
Dapat aniya matiyak na pinoprotektahan ang karapatan ng mga ito at mapigilan ang pagpapadala sa kanila sa ibang bansa, na matindi ang kasaysayan sa mga paglabag sa mga karapatang-pantao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.