Tulungan mga Pinoy na arestado dahil sa Trump policy – Escudero

By Jan Escosio April 03, 2025 - 05:48 PM

Nababahala si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa mga ulat na may 20 na Filipino ang inaresto at nakakulong ngayon sa US dahil sa immigration policy ni President Donald Trump. —Larawan kuha ni Jan Escosio | Radyo Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Nanawagan si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa Embahada ng Pilipinas na tulungan ang mga inarestong Filipino dahil sa polisiya ng administrasyon ni US President Donald Trump.

Nabahala si Escudero sa mga ulat na may 20 na Filipino ang inaresto at ikinulong sa mga operasyon laban sa “illegal immigrants.”

Hindi aniya malinaw ang basehan sa pag-aresto sa mga Filipino kayat dapat na bigyan ng tulong legal ang mga ito ng Embahada ng Pilipinas.

BASAHIN: Marcos handang maka-trabaho si Trump para patibayin PH-US ties

Dapat aniya tiyakin na maayos ang kalagayan ng mga inarestong Filipino.

Kasabay nito, pinayuhan ni Escudero ang mga Filipino sa America na walang dokumento o naghihintay ng green card na kumuha ng immigration lawyers upang hindi sila maaresto at makulong.

“Nakasisiguro ako na marami sa ating mga kababayan sa America na wala pang green card o ‘yung may mga kinahaharap na kaso ay nangangamba dahil sa patuloy na paghahabol ng gobyernong Amerika sa mga dayuhang illegal na nanatili doon,” sabi ng senador.

Mahigit apat na milyon ang Filipino-Americans sa Estados Unidos at may hanggang 300,000 ang ilegal ang pananatili.

TAGS: Francis Escudero, US Filipinos, Francis Escudero, US Filipinos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.