Ipinag-utos ni Marcos sa NFA mag-imbak ng mas maraming bigas

METRO MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang National Food Authority (NFA) na mag-imbak ng mas maraming bigas.
Layon ng direktiba na matulungan ang mga lokal na magsasaka at masigurado ang sapat na suplay ng bigas sa bansa, ayon sa pahayag nitong Lunes ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro
“Dinagdagan na ng National Food Authority ang kanilang rice buffer stock alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr., na paigtingin ng NFA ang pagbili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka,” ani Castro.
BASAHIN: P20 per kg na bigas iniutos ni Marcos na unang ibenta sa Visayas
Aniya, hanggang noong ika-24 ng Abril, may nakaimbak na 1.2 milyong sako ng bigas at 10.1 milyong sako ng palay ang NFA at sapat ito para sa 10 na araw na pangangailangan sa bigas sa bansa.
May P12 bilyon pa ang NFA na pondo para ipambili ng bigas ngayon panahon muli ng anihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.