P20 per kg na bigas iniutos ni Marcos na unang ibenta sa Visayas

METRO MANILA, Philippines — Sisimulan sa Visayas ang pagbebenta ng gobyerno ng bigas na nagkakahalaga lamang ng P20 per kilogram.
Ito ang sinabi nitong Miyerkules ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel kasunod nang pakikipagpulong sa Cebu City ni Pangulong Marcos Jr., sa 12 na gobernador ng Visayas.
Sinabi ni Marcos sa mga gobernador na nais niya na magtuloy-tuloy na ang pagbebenta ng gobyerno ng murang bigas hanggang 2028.
BASAHIN: Importasyon ng bigas bumaba, magandang ani inaasahan ng DA
Ngunit aniya, sa kasalukuyang plano, ito ay ipatutupad hanggang sa pagtatapos ng taon o sa Pebrero sa 2026.
Ayon sa pangulo, limitado sa 10 kg ng murang bigas ang mabibili ng isang indibiduwal kada linggo o 40 kg kada buwan.
Sabi pa ni Tiu-Laurel, may sapat na suplay ng ipagbibiling bigas sa halagang P20 per kg.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.