Toby Tiangco todo pasalamat sa suporta ng Lakas-CMD sa Alyansa

By Jan Escosio April 23, 2025 - 04:17 PM

PHOTO: Candidates of Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas
Ang ilan sa mga kandidato sa pagka-senador ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas kasama ang campaign manager na si Toby Tiangco (dulo sa kanan) sa pulong-balitaan bago ang kanilang campaign rally sa Tacloban City kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Mula kaliwa: Makati Mayor Abby Binay, Rep. Erwin Tulfo, Sen. Francis Tolentino, dating Interior Secretary Benhur Abalos, dating Sen. Panfilo Lacson, dating Senate President Vicente Sotto III. —Kuha ni Jan Escosio | Radyo Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Pinasalamatan ni Toby Tiangco, ang campaign manager ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, si House Speaker Martin Romualdez sa todong pagsuporta sa mga kandidato ng koalisyon.

Sa pagtitipon ng mga opisyal at miyembro ng partido Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa Malacañang nito Martes ng gabi, inilapit ni Romualdez sa kanyang mga kapartido ang lahat ng kandidato ng Alyansa.

Ayon kay Tiangco, pinalakas pa ng suporta ni Romualdez at ng Lakas ang 11 kandidato ng Alyansa.

BASAHIN: Bagong istratehiya pinaplano ng Alyansa para manalo 12 kandidato

Aniya sa ginawa ni Romualdez mas maraming botante ang maaabot ng kanilang mga kandidato:

  • dating Interior Secretary Benhur Abalos
  • Makati City Mayor Abby Binay
  • Sen. Ramon Revilla Jr.
  • Sen. Pia Cayetano
  • Sen. Lito Lapid
  • Sen. Francis Tolentino
  • dating Senate President Vicente Sotto III
  • dating Sen. Panfilo Lacson
  • dating Sen. Manny Pacquiao
  • Rep. Erwin Tulfo
  • Rep. Camille Villar

Sa pinakahuling resulta ng survey ng Social Weather Station, siyam sa mga kandidato ng Alyansa ang pasok sa “Magic 12.”

TAGS: Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, Lakas-CMD, Martin Romualdez, Toby Tiangco, Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, Lakas-CMD, Martin Romualdez, Toby Tiangco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub