LGUs bibigyan ng PCSO ng mga ambulansiya – Marcos

By Jan Escosio April 23, 2025 - 01:35 PM

PHOTO: Ferdinand Marcos Jr. and Mel Robles FOR STORY: LGUs bibigyan ng PCSO ng mga ambulansiya – Marcos
Si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama si PCSO Chairman Mel Robles. —File photo mula sa Malacañang

METRO MANILA, Philippines — Sa pamamagitan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), mabibigyan ng gobyerno ng ambulansiya ang lahat ng mga lokal na pamahalaan, ayon sa pahayag nitong Miyerkules ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Inanunsiyo ito ni Marcos kasabay ng pamamahagi ng 91 sa 985 ambulansya na mula sa PCSO sa Cagayan de Oro City.

“Ngayong taong ito, inaasahan namin, ako’y nakakasiguro na makakakumpleto na tayo. Lahat ng munisipyo ng ating kabuuang bansa ay mabibigyan na,” aniya.

BASAHIN: PCSO muling kinilala na Best GOCC

Dinagdag pa nito: “Kapag nangyari ito, sa kauna-unahang pagkakataon, masasabi natin 100 percent coverage na ang lahat ng munisipalidad sa loob lamang ng tatlong taon.”

Ngayong taon, umabot na sa 567 na ambulansiya ang naipamahagi.

Ilan din sa mga lokal na pamahalaan ang nakatanggap na ng kanilang pangalawang ambulansiya mula sa PCSO.

Nagbilin lamang si Marcos Jr., sa mga lokal na lider na ingatan ang mga ambulansiya dahil mahalaga ito sa mga pasyente.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Philippine Charity Sweepstakes Office, Ferdinand Marcos Jr., Philippine Charity Sweepstakes Office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub