WPS, Benham Rise mahalaga sa PH energy security – Tolentino

METRO MANILA, Philippines — Naniniwala si Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino na malaki ang potensyal ng West Philippine Sea (WPS) at Benham Rise o Talampas ng Pilipinas na makapag-ambag sa pagtitiyak sa suplay ng enerhiya sa bansa.
Dinagdag pa ni Tolentino makakatulong din ito para maibsan ang hirap ng mga Filipino sa presyo ng mga produktong petrolyo at kuryente.
Kailangan lamang aniya na ipagpatuloy ang siyentipikong pagsasaliksik sa mga nakadepositong yaman sa WPS at Benham Rise.
BASAHIN: Mabuting pamamahala ng LGUs susi sa kaunlaran – Tolentino
“Magsisilbing susi ang langis at natural gas na malilinang mula sa WPS at Talampas para makamit ang ating seguridad sa enerhiya at para hindi na tayo laging nakaasa sa pandaigdigang pamilihan,” dagdag pa ng isa sa mga kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
Samantala, pinaboran ni Tolentino ang panawagan na dagdagan ang kapangyarihan ng Energy Regulatory Commission upang agad maaksiyonan ang pang-aabuso industriya ng kuryente at maprotektahan ang interes ng mga konsyumer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.