Mabuting pamamahala ng LGUs susi sa kaunlaran – Tolentino
METRO MANILA, Philippines — Sa mabuting at maayos na pamamahala ng mga local government units (LGUs) nagsisimula ang pag-unlad ng bansa.
Ito ang ibinahagi ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino sa pagbisita niya sa kapitolyo ng Apayao.
Aniya, ang natanggap na Seal of Good Local Governance ng mga lokal na pamahalaan mula sa Department of the Interior and Local Government ang patunay ng maayos at mabuting pamamahala.
BASAHIN: Piliin kandidatong na may integridad, plataporma, at nagawa – Tolentino
Kasunod nito, dagdag pa ng senador, ang pag-angat ng kalidad ng pamumuhay ng mga Filipino at pagkamit ng mga pangarap at adhikain ng bawat pamilya.
Dalawang araw na nag-ikot sa Apayao ang isa sa mga kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas at nakaharap niya ang mga lokal na lider sa lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.