Pagpaparami ng mga baboy gagastusan ng DA ng P1 billion

By Jan Escosio April 21, 2025 - 01:05 PM

PHOTO: Pigs in cages FOR STORY: Pagpaparami ng mga baboy gagastusan ng DA ng P1 billion
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Gagastusan ng Department of Agriculture (DA) ng P1 bilyon ang programa para maparami ang mga baboy sa bansa.

Ayon kay Agriculture Undersecretary for Livestock Dante Palabrica, layon ng programa na maibalik ang bilang ng mga baboy bago naapektuhan ito ng African swine fever (ASF).

Aniya, bahagi ng plano ang pamamahagi ng 30,000 na “gilts” — o mga babaeng baboy na hindi pa nabubuntis — sa mga malalaking poultry farm sa bansa.

BASAHIN: P350-P380 per kg MSRP sa baboy ipapatupad na sa Metro Manila

Dinagdag pa ng opisyal na yung mga hayop din ng ibabayad ng poultry farms at ang mga ito ay ipamamahagi naman sa mga maliliit na negosyante.

Bago ang pagtama ng ASF noong 2019, may 14 milyong baboy sa bansa at sa kasalukuyan ito ay nasa walong milyon.

Nais ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel na simula sa susunod na taon hanggang 2028 ay madadagdagan ng dalawang milyon ang bilang ng mga baboy sa bansa kada taon.

TAGS: Department of Agriculture, hog supply, Department of Agriculture, hog supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.