PAOCC nais ni Jinggoy Estrada tumulong puksain kidnap groups
METRO MANILA, Philippines — Sinabi ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na kailangan nang umalalay ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa Philippine National Police (PNP) sa kampaniya laban sa mga kidnap-for-ransom (KFR) groups.
Nakakabahala na aniya ang mga dumadaming insidente ng pagdukot at ang pinakahuli ay ang pagpatay pa sa negosyanteng si Anson Que at sa driiver nito.
Aniya dapat ay bigyan ng gobyerno ng sapat na atensyon at aksyon ang mga pagdukot dahil nakataya ang imahe ng Pilipinas sa buong mundo.
BASAHIN: PNP special team sisilipin pagdukot, pagpatay sa Chinese trader
Tiwala si Estrada na malaki ang maitutulong ni PAOCC Chief Gilbert Cruz sa pagtuldok sa KFR groups dahil sa mga tagumpay nito habang nakatalaga sa Presidential Anti-Crime Commission noong administrasyong-Joseph Estrada.
Una nang nagpalabas ng katulad na apila ang kapatid ni Estrada na si Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.