1,500 Kadiwa stores bubuksan hanggang 2028 – Palasyo

By Jan Escosio April 14, 2025 - 05:32 PM

PHOTO: Claire Castro FOR STORY: 1,500 Kadiwa stores bubuksan hanggang 2028 – Palasyo
PCO Undersecretary Claire Castro

METRO MANILA, Philippines — Maglalaan ang Philippine Postal Corp.(PHLPost) ng espasyo sa lahat ng post offices sa bansa upang magsilbing Kadiwa store.

Ito ang napagkasunduan ng Department of Agriculture at PHLPost, ayon sa Malacañang, bilang bahagi ng pagpapalawak ng Kadiwa ng Pangulo Program.

Nakasaad sa kasunduan na titiyakin ng kagawaran na may mabibili ang publiko na mga murang produktong pang-agrikultura sa post offices.

BASAHIN: Kadiwa ng Pangulo Centers ikakalat sa buong bansa

“Ibig sabihin, mula sa anim na post office na dati nang nag-host ng Kadiwa pop-up store, palalawakin na ito sa 67 post office sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao,” sabi ni Presidential Communications Undersecretary Claire Castro.

Sinabi pa ni Castro na target na hanggang sa 2028 ay mayroon ng 1,500 Kadiwa stores sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Makikinabang aniya sa kasunduan hindi lamang ang mga kawani ng PHLPost kundi maging lokal  na komunidad.

TAGS: Claire Castro, Kadiwa Stores, Claire Castro, Kadiwa Stores

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.