Kadiwa ng Pangulo Centers ikakalat sa buong bansa

By Jan Escosio July 17, 2023 - 04:28 PM

BBM FB PHOTO

Sinaksihan ni Pangulong Marcos Jr., ang pagpirma sa memorandum of agreement (MOA) para sa pagpapatayo ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) Centers sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Isinagawa ang pagpirma sa MOA sa lungsod ng San Fernando sa Pampanga kasabay nang pamamahagi ni Pangulong Marcos Jr., ng tulong.

Kabilang sa mga ahensiya na pumirma sa MOA ay ang  Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Presidential Communications Office (PCO), at Presidential Management Staff (PMS).

Pinuri ni Pangulong Marcos Jr., sa kanyang talumpati ang mga ahensiya, lokal na pamahalaan at pribadong sektor.

“We gather here to mark a significant event. It is the signing of the memo of agreement for the Kadiwa ng Pangulo with all LGUs. We institutionalized the establishment of Kadiwa ng Pangulo now in the local level,” aniya.

Sandaling ipinaliwanag niya na ang layon ng Kadiwa ay upang mawala ang “middle man” at direkta ang mga magsasaka sa mga pamilihan.

“Para sa ganyang paraan ay maipagbili natin ng presyo na mababa. Kaya’t sa labas nakita ko P70 na lang ang asukal. Yun pa rin ang ating hangarin na P20 na bigas. Wala pa tayo run, pero ginagawa natin ang lahat,” aniya.

Dagdag na lamang din niya: “Kailangan natin ang tulong ng lahat ng ating mga kababayan dahil hindi kaya ng government lamang, ng national government, local government lamang. Kailangan kasama din natin dyan mga negosyante. Kasama din natin bawat isang Pilipino na pare-pareho ang sinusundan ang plano upang maramdaman naman natin ang sumusulong at gumaganda ang ating ekonomiya.”

Nabatid na mayroon ng 342 Kadiwa Centers sa buong bansa.

 

 

 

TAGS: kadiwa store, magsasaka, MOA, kadiwa store, magsasaka, MOA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.