Tolentino nais 60 kph speed limit sa Metro Manila major roads

METRO MANILA, Philippines — Nanawagan si Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino sa mga awtoridad na higpitan ang pagpapatupad ng 60 kilometer per hour speed limit sa lahat ng pangunahing kalye sa Metro Manila.
Ginawa ni Tolentino ang panawagan kasunod nang aksidente sa Commonwealth Avenue sa Quezon City na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang katao.
Ayon sa senador, 2011 nang ipatupad niya ang speed limit habang nagsisilbing pinuno ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
BASAHIN: Mabuting pamamahala ng LGUs susi sa kaunlaran – Tolentino
Sinabi nito na binansagan ang Commonwealth Avenue na “killer highway” dahil sa mataas na bilang ng mga aksidente at nasasawi.
Diin niya binubuo ang mga regulasyon para sa kaayusan ng trapiko at kaligtasan ng publiko.
Paalala pa ni Tolentino, responsibilidad ng mga motorista na maging disiplinado sa kalsada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.