Bahala na DOJ sa ‘polvoron video’ probe – Marcos

By Jan Escosio April 10, 2025 - 04:35 PM

PHOTO: Facade of DOJ building FOR STORY: Bahala na DOJ sa ‘polvoron video’ probe – Marcos

METRO MANILA, Philippines — Hindi na ikinagulat ng Malacañang ang pagbubunyag na si dating presidential spokesman Harry Roque ang utak sa pagpapakalat ng kontrobersyal na “polvoron video.”

Kasabay nito, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na pinaubaya na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Justice at National Bureau of Investigation ang pag-iimbestiga sa ibinunyag ng vlogger na si Vicente Bencalo “Pebbles” Cunanan.

Itinuro ni Cunanan si Roque na pasimuno ng malisyosong video, kung saan tampok ang isang lalaki na kahawig ni Marcos.

BASAHIN: Harry Roque hinamon ng Malacañang na umuwi na

“Hindi na ito bago at buti na lamang may isang tao na dati nilang kaalyado na sinabi na si Atty. Harry Roque ang nagpakalat,” ani Castro.

Magugunita na isang araw bago ang ikatlong State of the Nation Address ni Marcos Jr. noong 2024 kumalat ang “polvoron video” sa social media platforms.

Mapapanood sa video ang pagsinghot ng lalaki ng hinihinalang droga.

TAGS: department of justice, Ferdinand Marcos Jr., Harry Roque, National Bureau of Investigation, polvoron video, department of justice, Ferdinand Marcos Jr., Harry Roque, National Bureau of Investigation, polvoron video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.