Harry Roque hinamon ng Malacañang na umuwi na

By Jan Escosio March 19, 2025 - 03:31 PM

PHOTO: Harry Roque FOR STORY: Harry Roque hinamon ng Malacañang na umuwi na
Si Harry Roque, noong nagsisilbí pa siyáng presidential spokesperson. —File photo mulá sa Malacañang

METRO MANILA, Philippines — Hinamon ng Malacañang si dating presidential spokesman Harry Roque na umuwi na lamang ng Pilipinas dahil hindi na siya kabilang sa legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagharap sa International Criminal Court (ICC),

Sinabi ni Undersecretary Claire Castro ng Presidential Communications Office (PCO) na makabubuti  kay Roque na harapin niya ang mga alegasyon na sangkot siya sa illegal Philippine offshore gaming operator (POGO) hubs.

Makatuwiran lamang din, dinagdag pa ni Castro, kung uunahin ni Roque na ipagtanggol ang sarili sa mga alegasyon.

BASAHIN: Seryoso ang pag-ugnáy kay Roque sa illegal POGO hub – Escudero

Hiniling ni Roque sa gobyerno ng The Netherlands na kupkupin siya sa katuwiran na biktima siya ng “political persecution” ng binuong House quad committee.

Bumuwelta naman si Castro na matibay ang mga ebidensiya laban kay Roque.

Samantala, si Vice President Sara Duterte ang nag-anunsiyo na hindi kabilang sa legal team ng ama si Roque.

TAGS: Claire Castro, Harry Roque, Illegal POGO hubs, Claire Castro, Harry Roque, Illegal POGO hubs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.