Piliin kandidatong na may integridad, plataporma, at nagawa – Tolentino

METRO MANILA, Philippines — Sa Pampanga, Batangas at Laguna nangampanya noong nakaraang Sabado, ika-5 ng Abril, si Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino.
Sa mga pagpupulong sa Porac, Pampanga; Tanauan City sa Batangas at Binan City sa Laguna, ibinilin ni Tolentino na sa eleksyon sa ika-12 ng Mayo piliin ang mga kandidato na may napatunayan na sa pagsisilbi, may integridad, at may mga malinaw na plataporma.
“Ang problema at pangamba araw-araw ng karaniwang mamamayan ay magkakapareho, saan mang bahagi ng bansa sila naroroon. Gayundin ang mga Pilipino ay pinagbubuklod ng magkakatulad na pangarap, gaya ng komportable buhay, edukasyon para sa kanilang mga anak ar disenteng trabaho,” ani Tolentino.
Ito aniya ang mga dapat isipin sa pagpili ng mga kandidatong iboboto.
Binanggit ni Tolentino na ang kanyang mga adbokasiya ay mapababa ang halaga ng kuryente at internet para sa mga ordinaryong konsyumer.
Inihain niya ang Senate Bill No. 2970, na ang layon ay ang pagbibigay ng 12% value added tax exemption sa kuryente at internet.
Ipinaglaban niya hanggang sa maging batas ang Philippine Maritime Zones Act (RA 12064) na pinagtibay ang karapatan ng Pilipinas sa teritoryo at exclusive economic zone sa West Philippine Sea at Benham Rise o Talampas ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.