Abalos lilinawin sa mga magsasaka pananaw niya sa Rice Tarrification Law

METRO MANILA, Philippines — Nakahanda si dating Interior Secretary Benhur Abalos na humarap sa mga magsasaka para bigyang linaw ang kanyang posisyon sa Rice Tarrification Law.
Sinabi ito ni Abalos matapos imbitahan siya ni dating MAGSASAKA Party-list Argel Cabatbat na bisitahin ang mga magsasaka sa Guimba, Nueva Ecija para personal na malaman ang tunay na kondisyon at mga hinaing ng mga ito.
Inaasahan din ni Cabatbat na haharap din sa mga magsasaka ang mga opisyal ng Department of Agriculture.
BASAHIN: P58 per kg MSRP sa imported rice ipapatupad sa Metro Manila muna
Noong Martes, sinabi ni Abalos na dapat magpatuloy ang pakikipag-diyalogo sa mga magsasaka ukol sa naturang batas.
Ayon kay Abalos batid naman niya na ang layon ng RTL ay mapapaba ang presyo ng bigas at lubos na matulungan ang mga magsasaka, ngunit lumalabas din ang mga “butas” ng batas.
Isa aniya sa dapat ikunsidera ay ang pagbabalik sa kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) na bumili at magbenta ng bigas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.