Panalo sa Valenzuela ni Senate bet Bam Aquino tiniyak ni Gatchalian

By Jan Escosio April 06, 2025 - 11:15 AM

PHOTO: Bam Aquino FOR STORY: Panalo sa Valenzuela ni Senate bet Bam Aquino tiniyak ni Gatchalian
Dating Sen. Bam Aquino —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Hindi bibiguin ng mga residente ng Valenzuela City si dating Sen. Bam Aquino.

Ito ang tiniyak ni Sen. Sherwin Gatchalian nang dumalaw si Aquino sa lungsod kamakailan at naging panauhing pandangal sa Kuya Win Scholars Assembly sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela.

“Kasama mo kami, kaibigan mo kami. Lahat kami dito, campaign manager mo. Makakaasa ka na dito sa Valenzeula ipapanalo ka namin,” pahayag ni Gatchalian.

Sinabi ng senador na mahalaga na makabalik sa Senado si Aquino dahil tunay itong kampeon ng edukasyon at tutulong para maiangat ang sistema ng edukasyon sa bansa.

BASAHIN: Lakas-CMD, NP ang mga dominanteng partido pulitikal – Comelec

Binanggit pa ni Gatchalian na sa hanay ng mga kandidato, si Aquino lamang ang may tunay na adbokasiya sa edukasyon at marami sa kanyang mga kalungsod ang nakikinabang sa mga batas na isinulong ng dating senador.

Si Aquino ang pangunahing awtor ng libreng pag-aaral sa kolehiyo.

Samantala, lubos na pinasalamatan ni Aquino sa Gatchalian sa pag-endorso sa kanyang kandidatura sa Valenzuela City.

“Dito po sa ating edukasyon, napakaraming reporma anjg kailangan gawin. At iyong pangako po natin kasama si Senator Win, iisa-isahin po natin iyan hanggang sa makita natin na ang antas ng edukasyon sa ating bansa ay umabot sa tamang lebel,” ani Aquino.

TAGS: 2025 elections, bam aquino, Philippine elections, Sherwin Gatchalian, 2025 elections, bam aquino, Philippine elections, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.