Senado pinag-iingat sa panukalang pagpapahawak ng edukasyon sa bansa sa mga banyaga

By Jan Escosio February 20, 2024 - 05:11 PM

SENATE PRIB PHOTO

Pinayuhan ang Senado ng pinakamalaking grupo ng private educational institutions (PEIs) na mabusising pag-aralan ang posibleng pagbubukas ng pagmamay-ari ng edukasyon sa bansa sa mga banyaga.

Sa pagdinig sa Senado, iginiit ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) ang pangangailangan na mabantayan at mapangalagaan ang kultura at interes ng mga Filipino.

Kasabay ito nang hakbangin na maamyendahan ang tatlong probisyong pang-ekonomiya sa 1987 Constitution, kasama na ang foreign ownership ng mga unibersidad o kolehiyo sa bansa.

“We respectfully urge lawmakers to proceed with caution regarding introducing amendments to the pertinent provsions because this will have a long standing complicated repurcussions or implications to the Filipino generations to come,” banggit ni Fr. Albert Delvo, pangulo ng COCOPEA.

Nabanggit pa ni Delvo na may mga agam-agam din ang iba pa nilang miyembro ukol sa panukalang pag-amyenda.

“We are cautious because if we allow foreigners to control, own, and administer the institutions, it may be prejudicial to our Filipino culture, values, morals. spiritual matters. Baka they maybe in danger,” sabi pa ni Delvo.

Samantala, ipinunto naman din sa pagdinig ni Dr. Karol Mark Yee, executive director ng 2nd Congressional Commission on Education of the Philippines (EDCOM2) na ang Pilipinas ang may pinakamahigpit na polisiya ukol sa “foreign ownership” at ito aniya ay nakasaad pa sa Saligang Batas.

Ngunit aniya sa kabila nito kailangan ay humanap ng mga paraan para makahikayat ng banyagang pamumuhunan sa sektor ng edukasyon sa Pilipinas.

TAGS: Cha-Cha, education, Cha-Cha, education

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.