Milka Romero ng 1Pacman sumali sa fun run para sa cancer patients

PHOTO: Milka Romero FOR STORY: Milka Romero ng 1Pacman sumali sa fun run para sa cancer patients
1Pacman nominee Milka Romero —Larawan mula sa 1Pacman

METRO MANILA, Philippines — Nakiisa si 1-Pacman party-list nominee Milka Romero sa fun run for a cause ng I Want To Share Foundation sa Makati City nitong araw ng Linggo.

Sinabi ni Romero na ang run for a cause ay para sa mga batang may leukemia na ginagamot sa Philippine General Hospital.

Aniya, ang target nila ay 300 runners ngunit umabot sa 650 runners ang nakibahagi sa Run to Share 2025.

BASAHIN: 1-Pacman nakiisa sa paglunsad ng True Movement for Change sa Laguna

Bunga nito, nakalikom sila ng P1 milyon na gagamitin ng sa blood transfusion ng mga batang may kanser.

Itinaon ang 3 kilometer at 5 kilometer fun run kasabay ng Car-Free Sundays sa Ayala Avenue at nagsimula ito ng ala-6 ng umaga.

Tiniyak ni Romero na magkakaroon pa ng run for a cause projects ang I Want To Share Foundation.

Read more...